Friday 18 December 2015

Hangad nating lahat

Epektibong pamumuno dulot ay kaayusan ng bansa,
Impluwensya ng bawat pinuno dahilan ng pagbabago,
Ating bansa’y unti unti ng nadudungisan,
Korupsyon sa ating bansa di na mapipigilan,
Pagkakaisa’y unti-unti ng nalilimutan.

Iba’t ibang paraan ng pamumuno di maiiwasan,
Mga kaguluhang nagaganap iba’t iba ang pinagmumulan,
Ngunit sa isang banda’y mga mata nati’y muli nating buksan,
Pagtutulungan ng bawat isa kailangan nating lahat,
Kaya tayo buksan natin ang puso’t isip ng bawat isa,
Pagkakaisa’t pagtutulungan hangad nating lahat.


Susi sa kinabukasan

Kaalamang taglay kailangang tunay,
Sandatang dapat taglayin ninunman,
Dahil gamit natin sa pang araw-araw,
Na matatagpuan sa edukasyon lang.

Edukasyong hanap nasa eskwelahan,
Tinuturong ganap ng gurong mahusay,
Makamit ito ay walang kasing saya,
Sapagkat dala ay magandang simula,
Simula sa isang magandang biyaya,
Dala ay tagumpay maging dalubhasa.

Kahit mahirap kakayaning  tunay,
Makamit lamang ang tamang kaalaman,
Na magiginng daan sa ating tagumpay,
                                                        Dahil ito'y susi sa magiging buhay..       

Diwa ng Pasko

Ang araw ng pasko ay araw ng
Pagpapatawad, araw ng pagbibigayan, at pagmamahalan,
Kalimutan natin ang mga problema sa araw na ito,
Ipagdiwang ng masaya ang araw na ito lahat ng ito ay ating damahin.

Kalungkutan ay pansamantalang limutin para sa ating sarili,
Galit ay iwasang pairalin buksan natin an gating damdamin,
Pagpapatawad sa kapwa ay ating aralin upang tayo ay sumaya.

Pag-ibig ang paghariin sa mga pusong puno nang galit,
Ang bawat isa ay ating mahalin ng bukal sa puso at damdamin,
Kapayapaan an gating makakamtan kung ang bawat isa ay nagmamahalan,
Ito ang tunay na diwa ng Pasko, pagbibigayan, pagmamahalan, at pagpapatawad,

Ito ang ating pairalin upang ang araw na ito ay maging masayang Pasko para sa atin.

Lapis

Sa paghawak ng lapis,
Kaliwa man o kanan...
At pagdaiti nito sa papel ng kalinisan --
Kaisipan, damdamin
Tula o kwento man,
Kabulaanan o katotohanan,
Kahirapan o karangyaan,
Kasiyahan o kalungkutan,
Kalokohan o katinuan,
Pag-iibigan o pagkakaibigan
Ay naipapamahagi at
Naisisiwalat sa buong santinakpan
May labis man o may kulang!


Aking Ina, Ilaw ng Aking Mundo

Ang unang kaibigan, unang gabay at unang kaaway,
Sayo ko rin nalaman na may kulay ang buhay,
Ikaw ang umiilaw sa aking landas,
Sa munting kamay iginuhit ang pangako,
Pangako na magpakaylanman di maglalaho
Ang pagsintang lubos.

Dalangin ko sa diyos na ika’y maawitan ng
Isang kanta na walang hangganan,
Mapawi lamang ang pagod sa iyong mga mata,
Nais ko naika’y sumaya kahit isang araw.

Walang liwanag na mapagmamasdan
Ang aking mga mata,
Ikaw ang nagpapalakas ng aking loob
Nagpapaunawa at nagmamahal,
Ikaw aking ina, ilaw ng aking mundo.


Aking Ina, Ilaw ng Aking Mundo

Ang unang kaibigan, unang gabay at unang kaaway,
Sayo ko rin nalaman na may kulay ang buhay,
Ikaw ang umiilaw sa aking landas,
Sa munting kamay iginuhit ang pangako,
Pangako na magpakaylanman di maglalaho
Ang pagsintang lubos.

Dalangin ko sa diyos na ika’y maawitan ng
Isang kanta na walang hangganan,
Mapawi lamang ang pagod sa iyong mga mata,
Nais ko naika’y sumaya kahit isang araw.

Walang liwanag na mapagmamasdan
Ang aking mga mata,
Ikaw ang nagpapalakas ng aking loob
Nagpapaunawa at nagmamahal,
Ikaw aking ina, ilaw ng aking mundo.


Aking Ina, Ilaw ng Aking Mundo

Ang unang kaibigan, unang gabay at unang kaaway,
Sayo ko rin nalaman na may kulay ang buhay,
Ikaw ang umiilaw sa aking landas,
Sa munting kamay iginuhit ang pangako,
Pangako na magpakaylanman di maglalaho
Ang pagsintang lubos.

Dalangin ko sa diyos na ika’y maawitan ng
Isang kanta na walang hangganan,
Mapawi lamang ang pagod sa iyong mga mata,
Nais ko naika’y sumaya kahit isang araw.

Walang liwanag na mapagmamasdan
Ang aking mga mata,
Ikaw ang nagpapalakas ng aking loob
Nagpapaunawa at nagmamahal,
Ikaw aking ina, ilaw ng aking mundo.