Ang isports, laro o palakasan ay isang
aktibidades na nagpapalakas ng katawan. Maraming klase ang laro na may iba’t
ibang kagamitan. Iba’t ibang bahagi ng
katawan ang napapaunlad nito. Bukod sa pangangatawan, napapaunlad din nito ang
relasyon ng bawat kasali sa laro at natututo sila kung paano makisama sa
kapwa-tao at matututunan din ang tinatawag na “sportsmanship”.
Malaki ang nagagawa ng sports sa kaunlaran
o development ng isang mag-aaral. Una,
nililinang nito ang kakayahang pisikal
gaya ng pagtakbo, paglangoy, pagsalo o pagpalo at iba pang
kasanayang pisikal. Sa isports, nahahasa rin ang kaliksihan, listo at bilis ng
pag-iisip at pagdedesisyon.
Kaya
nga sa paaralan ay mayroong sportsfest at mga extra-curricular activitites.
Hindi lamang naman sila binuburo ng mga guro sa puro pag-aaral lamang kundi
mayroon ding gawaing hindi lamang isip
ang ginagamit kundi ang lakas ng katawan. Sa elementarya, nagkakaroong ng
Sportfest tuwing Setyembre. Mayroong volleyball, basketball, tennis, athletics,
swimming at iba pang larong lumilinang ng mga kakayahan.
Ang mga estudyante ay hindi lamang puro
pagbabasa at pagsulat ang ginagawa sa eskwelahan. May mga gawain ding
lumilinang sa kanilang kakayahan sa isports. Kaya ang mga batang may mababang
marka, malaking tulong sa kanila ang paglahok sa nasabing aktibidades dahil 30%
na dagdag ito sa kanilang grado.
Marami ang benepisto na naibibigay ng
isports nililinang hindi lamang ang katawan kundi ang isipan. Tunay ngang
mahalaga ang isports.
No comments:
Post a Comment