Friday 18 December 2015

Kalamidad ating Handaan

Ang kalamidad ay maaaring makasira ng mga bahay, mga tulay, mga pananim at mga kabuhayan ng tao. Maaari rin itong kumitil ng maraming buhay. Ang baha, lindol, tsunami, buhawi at landslide ay ilan lamang sa mga uri ng kalamidad. Kadalasang sanhi nito ay kalikasan, pero maari rin maging sanhi nito ang mga maling gawain ng tao. Ang ilan pa sa mga posibleng maging epekto nito ay ang pagkasira ng ating ecosystem, pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa ating kagubatan, at pagkalugi ng mga negosyo ng ating mga kababayan.
Ang mga dapat nating gawin sa panahon ng kalamidad ay ang manood sa TV at makinig sa radyo ng balita, maghanda ng mga kakailanganin katulad ng pagkain, damit, tubig, flashlights, kandila at posporo.  Huwag agad magpanik upang manatiling malinaw ang ating isip.
Ang dapat nating gawin para maiwasan ang mga kalamidad ay huwag dapat tayong magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig  upang maiwasan ang matinding pagbaha. Dapat tayong mgatanim ng mga puno para magkaroon tayo ng proteksyon sa  malalakas na hangin at para may sumipsip ng tubig baha. Dapat rin nating i-recycle ang mga basura na pwede pang mapakinabangan. Ang mga simpleng bagay na ito ay malaki ang magagawa upang makaiwas o mabawasan man lang ang hagupit ng mga kalamidad sa ating bayan.


No comments:

Post a Comment