Sunday 13 December 2015

Pagbabago sa Pagbukas ng Klase

Ang pagbabago sa pagbukas ng klase ng isang paaralan ay isang karapatan kapag ito ay naayon sa batas.
            Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Department of Education (Dep Ed)  ang panukalang mula sa mga higanteng unibersidad na baguhin ang bukas ng klase sa Agosto – Mayo mula sa dating Hunyo – Marso. Iniulat ng CHED ang  Unibersidad ng Pilipinas  at Ateneo De Manila University ay nag-anunsyo na ng kanilang intensyon na magsimula ng klase sa Agosto, ang UP ay ngayong pampaaralang taon na (2014-2015) magsisimula at 2015-2016 naman ang  ADMU.
            Ayon kay Dr. Patricia Licuanan, pinuno ng CHED, ang hakbang na ito ng mga Higher Education Institutions (HEIs) ay naayon sa Saligang Batas 7797, Seksyon 3, na nagtatakda ng pagbukas ng klase mula unang Lunes ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto.
            Ang Saligang Batas 7722 naman ay nagbibigay ng academic freedom sa mga HEIs, sa gayon may kalayaan sila na matatag o gumawa ng saliring academic calendar. Isa rin itong paraan sa paghihikayat sa mga institusyon na gumawa ng mga innovation o mga pagbabago sa edukasyon.
            Iba't ibang isyu, konsiderasyon at implikasyon ng pagbabagong ito ang tinitingnan ngayon ng pamunuan ng mga institusyong pang-edukasyon.
            Kabilang sa mga ito ang “internationalization”. Kaya kayang makipagsabayan ng mga graduates ng mga HEIs sa Global academic community? Ang totoong hamon ngayon ay ang pagtiyak
 na ang produkto ng HEIs ay papasa sa pandaigdigang pamantayan sa edukasyon (quality assurance) na bihasa sa kritikal, analitikal at malayang pag-iisip at may sapat na kakayahan upang matanggap sa global market.
            Isa pang isyu ang konsiderasyong pang-ekonomiya. Ang Agosto ay “lean month” kaya sa mga
pamilyang umaasa lamang sa pagsasaka at pangingisda mahirap tugunan ang kakulangan sa pagkain at pagtustos sa mga pangangailangan ng pag-enrol sa klase. 
            Klima. Ang pagsisimula ng klase sa Agosto at pagtatapos nito sa Mayo ay mangangahulugang haharapin o e-”endure” ng mga mag-aaral ang init ng panahon sa April at Mayo lalo na sa mga pampublikong paaralan, at ito ay maaring maging sagabal sa atensyon at sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa mga HEIs, maaring hindi ito problema sapagkat maayos ang mga silid-aralan nila lalo n ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad. Ang tag-ulan ay hindi na isyu sapagkat magsimula man nu Huyo tag-ulan pa rin sa mula Setyembre hanggang Disyembre. mga HEIs, maaring hindi ito problema sapagkat maayos ang mga silid-aralan nila.
            Sa pag-aaral ng Dep Ed, lumalabas na iminumungkahi pa rin nila ang pagsabay ng academic calendar ng HEIs sa kalendaryo ng Dep Ed (synchronization with the ngDep Ed's calendar).
            Sa panig ng mga mag-aaral na mamahayag, walang makikitang ilegal sa mga hakbang o pagbabagong ginagawa ng mga HEIs lalo't naayon ito sa batas. Hanggat nasusunod nila ang mga rikisito ng CHED kabilang na rito an bilang ng oras na kinakailangan, at hangga't naihahanda nila ang kanilang graduates para sa hamon ng ika 21 dantaun ay karapatan o prerogative pa rin nila ito.  

            Sa mababang paaralan, hindi na nanggangailangan ng pagbabago lalo't ang layunin natin ay ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon at paglikha ng mga kalidad na graduates.Ang mga maaring balakid sa pagkamit ng layuning ito ay kainangang bigyang pansin, gaya ng klima, bagkus pagbutihin pa ang kasalukuyang sistema upang mapaghandaan ang mas mataas na hagdan ng edukasyon.                        

No comments:

Post a Comment