Thursday 10 December 2015

Ateneo muling inuwi ang kampeonato sa UAAP

    Pinataob ng Ateneo Lady Eagles ang karibal nito na De La salle Lady Spikers,25-22 25-17 25-23, upang mawalis ang season at muling maiuwi ang titulo sa pangalawang pagkakataon sa UAAP season 77 womens volleyball tournament, March 14, Mall of Asia Arena.
      Hindi kagaya noon, nasa kontrol ng Lady Eagles ang buong season at sets lang ang ibinigay sa ibang koponan.
      “ Masayang-masaya kami. Hindi lang kami back to back na walis rin naming ang buong season “ wika ni Tony Boy Liao ang tagapamahala ng koponan.
      “ Nag bunga na rin ang aming hirap na dinanas “ dagdag pa niya.
      Back to back season MVP si Alyssa Valdez na nagtala ng “game high” na 20 points na 19 kills upang pangunahan ang panalo.
      Hindi masyadong binigyan ng La Salle ang Ateneo ng magandang laban dahil wala ang kanilang kapitana at ace scorer na si Ara Galang dahil may pinsala ang kanyang isang binti.
      Binasag ng Lady Eagles ang net defense ng Lady Spikers sa huling bahagi ng set one at itinakbo ang panalo.
      Ngunit sa set 2 winasak ng Ateneo ang laro at binura ang pag-harang ng La Salle upang humantong ang abante sa 18-10.
     Sinubukang humabol ng Spikers upang idikit ang score sa 20-16 ngunit masyadong matatag ang Eagles at muling kinuha ang pangalawang set.
      Mas lalong naging determinado ang La Salle sa pangatlong set na humantong sa 9-12, sa kanilang lead, ngunit humantong si Valdez ng 4-0 na singil at muling kinuha ang lead na humantong sa kanilang pagkapanalo.
     Wala nang nagawa pa ang La Salle at pumailalim nalang sa pagkapanalo ng Ateneo.

No comments:

Post a Comment