Friday 18 December 2015

Aking Ina, Ilaw ng Aking Mundo

Ang unang kaibigan, unang gabay at unang kaaway,
Sayo ko rin nalaman na may kulay ang buhay,
Ikaw ang umiilaw sa aking landas,
Sa munting kamay iginuhit ang pangako,
Pangako na magpakaylanman di maglalaho
Ang pagsintang lubos.

Dalangin ko sa diyos na ika’y maawitan ng
Isang kanta na walang hangganan,
Mapawi lamang ang pagod sa iyong mga mata,
Nais ko naika’y sumaya kahit isang araw.

Walang liwanag na mapagmamasdan
Ang aking mga mata,
Ikaw ang nagpapalakas ng aking loob
Nagpapaunawa at nagmamahal,
Ikaw aking ina, ilaw ng aking mundo.


No comments:

Post a Comment