Friday 18 December 2015

Pascua sa Malinao

Tuwing pasko may kanya- kanya tayong paraan kung paano natin ito ipagdiwang. Ngunit ang bayan ng Malianao ay bayang may kakaibang pagdiriwang. Tuwing ikatlong lingo ng Disyembre ay nagsasagawa sila ng pagpapailaw sa Malinao.Ang buong bayan ay nagliliwanag sa napakagandang mga ilaw na nakapalibot dito. May patimpalak din ng mga koro ng mga mag-aaral sa antas ng elementarya at sekondarya o mas kilala sa tawag na “Daigon Contest.”Maraming mga tao pumupunta sa bayan upang tumingin ng lang ng pagpapaliwanag sa buong bayan.

                Tunay ngang maraming paraan upang ipagdiwang ang kapaskuhan. At higit sa lahat, makikita natin ang diwa ng pasko sa ating mga kapwang nagmamahal at nagbibigay sa atin. 

No comments:

Post a Comment