Thursday 10 December 2015

MES binawi ang kampeonato

             Matapos ang tatlong taon, nagawang bawiin ng MES ang titulo bilang kampeon sa ginanap na Panrehiyong    Patimpalak sa Pamamahayag na ginanap sa Kalibo Pilot Elementary School, Kalibo Aklan,ika 21-22 ng Hulyo.
            Hinakot ng mga manunulat ang tropeyo nang magtala ito ng 98 puntos at tanghaling “overall champion”.
            Pumangalawa ang Kalibo Pilot ES, 89 puntos na sinundan  ng Starglow na kumuha naman ng 76 puntos.
            Nagsipagwagi sina Joanne Ypril U. Iray, Most Promising Writer, unang gantimpala  Feature Writing F. at Runner-Up Sports Writing F.; Vheanel Therese Iquina, unang gantimpala Sports Writing E. at Runner-Up Editorial Writing F.; Adrian Ijalo, Editorial Cartooning F.; Ma. Gabrielle Angelli B. Nadate, pangalawang gantimpala Sports Writing E.; Van Ian Regatalio, Sports Writing E.; John Louie Iranta, pangatlong gantimpala, Sports Writing F. at iba pa.

    

No comments:

Post a Comment