Sunday 13 December 2015

Dr. Ocampo: “ang K-12 ay magdadala ng bawat pilipinong estudyante sa magandang kinabukasan ”

              “K-12 is the biggest reform since the 1960’s, and I assume K-12 will upgrade the quality of education for the future of every student or pupil in the Philippines.”
              Ito ang naging pahayag ni Dr. Dina s. Ocampo, Undersecretary for Programs and Projects ng DepEd sa kanyang seminar.
             Ayon sa kanya, marami na ngayong mga paaralang handa sa bagong programang ito dahil gusto ng bawat guro na matugunan ng tamang edukasyon ang bawat estudyante.
             Hindi lang akademiks ang sinusuportahan kundi meron pang isports, panulat at iba pa.
             Sabi ni Dr.Ocampo na sa High School, dinagdagan ng dalawang taon para ang mga mahihirap ay pwede nang magtrabaho dahil may sapat na silang kaalaman, dahil sa dalawang taong iyon tinuturuan na sila ng directed writing at focus writing.
             Sa K-3, ang mga lenguahe na ginagamit dito ay ang Mother – Tongue, Filipino at English.
            “Ang mga gutro ay dapat alagaan. Ang paraan ng pag-aalaga ng ating mga guro ay ang paraan ng pag-aalaga nila sa kanilang mga estudyante. Kailangan natin ng tamang guro sa tamang subject para maiwasan ang pagkalito,” wika ni Dr. Ocampo para sa magagawa ng gobyerno dito.
             Pinuri niya ang bawat guro, mag-aaral at ang kanilang mga magulang sa pagsusuporta sa programang ito.

No comments:

Post a Comment