Thursday 10 December 2015

Yunit 3 kampeon sa Volleyball

Inuwi ng koponan ng Yunit three ang ginto sa naganap na 2015 Provincial Meet sa volleyball girls (Elementary), Badio Covered Court, Badio, Numancia, 25-19 29-27.
     Pumangalawa naman ang koponan ng Yunit 4,habang ang Yunit 2 ang nasa pangatlong pwesto.
     Sa unang set palang, ipinakita na nang yunit 3 ang galing nito, sa kagustuhang makabawi sa naging pagkatalo nito sa koponan sa nakalipas na laro at maiuwi ang titulo, at nakuha ang abante, 5-1.
     Nahabol ng yunit 4 ang yunit 3 ngunit hindi ito pinabayaan ng yunit 3, at dahil sa magagandang opensa ng yunit 3 muling naibalik sa kanila ang abante, 14-10.
     Tinuloy-tuloy ng unit 3 ang naging abante nito at tinapos ang unang set sa iskor na 25-19.
     Sa pangalawang set, muling umabante ang unit 3 dahil sa magagandang serbisyo nito, pero hindi nagpahuli ang yunit 4 at ipinatas ang iskor, 5-5.
     Agad naming nabawi ng unit 3 ang lamang at mas lalo pa ngang ipanaglayo ang iskor 14-7, itinuloy-tuloy ng unit 3 ito hanggang sa iskor na 21-13.
     Naudlot ang momentum ng yunit 3 sa kalagitnaan ng laro ng maging kampante sila sa laro dahilan upang mahabol ng yunit 4 at naging 21 lahat ang iskor.
     Naging dikit ang labanan nagpasalin salin ang pag iskor ng bawat koponan, iskor ng isa babawiin nman ng isa, hanggang naging all 27 ang iskor.
     Naipanalo ng unit 3 ang kampeonato dahil sa naging dalawang service ace ni Sophia Santiago, ang kapitana ng koponan,29-27, sya rin ang nag uwi ng Most Valuable Player at Best Spiker na karangalan.
     “ Determinasyon talaga nang mga bata ang nag papanalo sa kanila.” Wika ni Gng. Dionadith Isturis coach ng unit 3.
     “ Ngayon pag hahandaan naman naming ang WVRAA meet sa Pebrero” dagdag pa niya.
     Kumuha ng tatlong taga unit 4 ang unit 3 para kumatawan sa kanila sa Wvraa, samantala kumuha rin sila ng isang taga unit 1 at unit 5.
      Sila ang magiging koponan ng team Aklan sa volleyball girls elementary sa  WVRAA Meet sa Pebrero.

No comments:

Post a Comment