“Isang
kongretong patunay na ang mga guro sa ating paaralan ay nagbuhos ng kanilang
oras at serbisyo upang mapataas ang pangkalahatang resulta ng National
Achievement Test.”
Ito
ang naging pahayag ni G. Jim I. Regno,
ang punungguro ng Paaralang Elementarya ng Malinao.
Tumaas
ng 14.55 bahagdan ang itinaas ng
kabuuang resulta ng NAT sa panuruang taong ito na 77.12% kumpara noong
nakaraan na 62.57%,” ang ipinagmalaking
pahayag ni G. Jim I. Regno, Punungguro II ng Paaralang Elementarya ng MAlinaosa
isang panayam na ginawa ng editor ng balita ng Ang Gabay, ang opisyal na pampaaralang
pahayagan ng MES.
“Ito ay
bunga ng pagtutulungan ng mga guro, mga magulang at mga taong nakapaligid sa
ating paaralan,” dagdag pa nito.
Ayon
kay Regno, nagkaisa ang mga guro at mga magulang na susuportahan ng huli ang
mga programa ng paaralan lalo na sa usapin ng disiplina sa paniniwalang kapag
may disiplina lalong natututo at napapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral.
Pinuri
ni Regno ang mga guro sa kanilang walang kapagurang linangin at paunlarin ang
kakayahan ng mga ito.
Nangako
rin ito na susuporta hindi lamang sa akademiks kundi sa isports, sa panulat o
sa anumang gawaing makakatulong sa paglinang ng angking kakayahan ng mga
mag-aaral.
No comments:
Post a Comment