Thursday 17 December 2015

Ekstra-kurikular na Gawain: Kahalagahan nito sa Pag-aaral

Sa tahanan unang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ipinagpapatuloy naman ito sa paaralan kasabay ng paghubog ng kaalamang akademiko. Ngunit hindi lamang pag-aaral ang pinagtutuunan ng pansin sa paaralan. Ang paaralan ay may may ibat ibang organisasyon na nakalaan sa ibat ibang mag-aaral, at depende rin sa kanilang kakayahan.
                Gaano nga ba kahalaga ang ekstra-kurikular sa pag-aaral?
                Malaki ang epekto ng ekstra kurikular sa buhay ng mag-aaral. Nililinang nito ang sosyal, emosyunal , intelektwal at pisikal nakakayahan ng isang mag-aaral
                Ang mga mag-aaral na aktibo sa ekstra-kurikular  na gawain ay may “confident” na pagkilos sa sosyal at emosyunal na lebel kaysa sa mga hindi aktibo. Nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili at nagkakaroon ng lakas ng loob na gampanan ang anumang ipinagagawa o ipinatutupad sa kanila. Nalilinang rin nito ang katauhan ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba. Nagiging responsible  ang mga batang sanay na sa mga tungkulin at gawain sa paaralan, kasama na rito ang pagharap sa tao.

                Marami rin ang natutunan ng mga mag-aaral ng laging kasali sa mga gawaing ekstra-kurikular. Sa pamamagitan ng pakiipagsalamuha, nakakakuha sila ng mga magaganda at kapakipakinabang na asal, aral, gawain na makakatulong upang mabago at mapaunlad ang pagkatao. 

No comments:

Post a Comment