Friday 18 December 2015

Tunay na Kaibigan

Ang kaibigan ay isang taong masasabi nating isang biyayang di kayang palitan nang kahit ano mang bagay dito sa mundo. Kalungkutan natin ay unti-unting nawawala sa sandaling tayo’y kanilang pinasaya. Mundo nati’y tila nagniningning sa tuwa at pag- asa. Nagbigay inspirayon sa ating buhay. ‘Yan ang kaibigan ko.

 Laging nandiyan sa oras nang ating mga problema. Handang tumulong kung tayo’y may pangangailangan man. Nagpapasaya sa atin kahit tayo’y nababalot nang kalungkutan. Kahit minsan ay di nagkakaunawaan, gagawa at gagawa parin sila ng paraan upang magkaayos tayo. Handang making sa ating mga kwento o kaya’y mga nararamdaman at problema natin. Lubos ang aking pasasalamat at kaibigan ika’y dumating sa buhay ko.

No comments:

Post a Comment