Thursday 10 December 2015

Fernandez panauhing pandangal sa Buwan ng Nutrisyon


             “ Ang Pinggang Pinoy ang dapat maihain sa hapag kainan ng bawat Pilipinong mag-anak.”
              Ito ay binigyang-diin ni Dr. Rhoby Fernandez sa kanyang mensahe, panauhing pandangal ng Mababang Paaralan ng Malinao Buwan ng Nutrisyon selebrasyon, ika 6 ng Agosto.
             “Kalusugan ay importante sa pag-unlad ng bawat bansa.”dagdag pa nito.
             “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo” ang tema ngayong taon.
            Kabilang sa selebrasyon ang pagkakaroon ng iba’t ibang patimpalak at naging sentro ng Pantapos na Palatuntunan ang pagkorona sa Master at Little Miss Nutririon 2015.
            Itinanghal na Master and Little Miss Nutrition Month 2015 sina Master Terrance Clark at Little Miss Marah Pheony Domingo.
           Si Master Mariano Ilejay Jr. at Little Miss Princess Jeanette Indemne ang Prince at Princess of Health, habang sina Master Marco Polo Isar at Little Miss  Angel May  Desaliza naman ang  Prince and Princess of Vigor.  
                Binigyan din ng parangal ang mga nagsipagwagi sa mga timpalak.
            Nagpakita ng ibat ibang talento sa pagsayaw sa pag-awit at sa pabigkas ang mga mag-aaral mula sa Kinder hanggang sa ikaanim na baiting.

            Nagtapos ang programa sa Pangwakas sa Salita ni Gng. Rebecca R. Ibarreta, Master Teacher II.

No comments:

Post a Comment