Friday 18 December 2015

MES wagi sa Daigon 2015

             Nabawi ng Paaralang Elementaryang Malinao ang titulo bilang kampeon matapos ng tatlong taon sa ginanap na Pascua sa Malinao Daigon, Maliano, Aklan, Disyembre 15.
            Naging tema ng selebrasyong  ito ay “Kahayag it Banwa, Daigon sa Malinao.”
            13 na grupo ang sumali sa selebrasyong ito, sa elementarya mayroong pitong grupo at sa sekondarya naman ay anim.
            Naging  mga tagahukom sina Gng. Mae  Ann Flor I. Dadivas, G. Leovindio F. Rabuco, G. Macpe B. Barrios, Gng. Liza Marie B. Ingles at G. Jess Ralph I. Yerro.
            Natanghal nman na defending champion ang Saint Joseph’s Academy sa sekondarya.
            Nagbigay ng kanta ang mga piniling mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Malinao na natanghal sa pangalawang pwesto sa Pinoy Pop at ang mga piniling mag-aaral ng Malinao School for Philippine Craftsmen na natanghal na kampeon sa Dance Theater.

            Naging emcee ng programang ito si G. Jonathan S. Ilejay.

No comments:

Post a Comment