Pangalawang ina ang turing sa kanya. At kaibigan na
tapat kung magmahal. Nariyan siya sa oras ng pangangailangan. Naging
sandigan sa oras ng problema. Iyan ang aking guro.
Di nagsasawa sa pagtuturo sa atin, kahit minsan hindi
nakikinig, at matigas ang ulo. Pilit hinahabaan ang kanyang pasensya, maturuan
lang tayong mga mag-aaral nya. At naiirita man ay hindi pinahahalata.
Yan ang ating guro mapagmahal, maunawain at masigurado.
Nagsusumikap na tayo’y turuan upang maging matalino at matuto ng lubusan.
Kaya sa darating na Araw ng mga Guro, sikapin nating
mabigay sa kanila ang buong pasasalamat natin sa lahat ng nagawa nila sa atin,
kahit napapagalitan minsan. At dahil kung wala ang gurong katulad nila walang
magtatyagang magturo, umunawa at magmahal sa atin katulad ng pagmamahal sa atin
ng ating mga ina.
At huwag nating kakalimutang sabihin sa ating guro na Guro
Ko, Bayani Ko.
No comments:
Post a Comment