Sunday 13 December 2015

Papel ng Pahayagang Pangkampus sa Mabuting Pamamalakad

Ang Kagawaran ng Edukasyon, sa pamamagitan ng K-12, ay nagpapatutupad ng mga programang humahasa sa kakayahan ng mga manunulat sa pahayagang pangkampus upang maihanda sila sa mga hamon ng makabagong panahon. Ang mga itinuturo sa paaralan, ang mga pagsasanay sa panulat at mga “Press conferences” ay lumilinang sa kakayahan sa komunikasyon, mapanuring pag-iisip o pagdedesisyon, at maging ang kakayahan sa kompyuter upang mapabiilis ang kanilang gawain bilang mamamahayag kasama na ang mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng internet.
Kaagapay sa “matuwid na daan”  na siyang gabay ng pangulo sa panunungkulan, ang paaralang pamamamahayag ay tumataguyod rin sa mabuting pamumuno at tapat na pamamalakad. Kasama sa mga gawain nito ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng tapat na panunungkulan, ang pagiging masigasig sa pagtupad sa tungkulin bilang mga tagapaglingkod sa mamamayan.
Makakatulong ba ang pampaaralang pamamahayag sa pagtaguyod ng matapat at mabuting pamumuno at pasasanay sa pagiging mabuting lider sa hinaharap?
Sa mga batang mamamahayag, ang pahayagang pangkampus ang  nagsisilbing sanayan sa mabuting pamumuno o pagiging lider sa hinaharap. Ang patas na kompetisyon ay nagpapakita ng kahalagahan ng katarungan. Ang magaan sa loob na pagtanggap ng pagkatalo ay nagpapaunawa rin ng pagiging mapakumbaba – katangiang dapat taglay ng isang lider. Ang pagsisikap mabilis na maipaabot ang mahahalaga at tamang  impormasyon gaano man ito kahirap ay nagsasanay sa mga manunulat sa pagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami. Sa makatuwid , ang pagiging patas,  makatarungan, ang pagka mapakumbaba at pagsasakripisyo para sa nakararami ang layunin ng pahayagang pangkampus – ito rin  an ang binibigyang-diin ng “good governance and leadership, at transparency”.

Kami, bilang mga batang mamamahayag ay nakikiisa pagtataguyod ng matapat at matuwid na pamamalakad at pamumuno. Naniniwala kami na sa amin pa rin nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng pampaaralang pamamahayag, masasanay at maihahanda kami para sa responsibilidad ng pagiging susunod na lider ng pamayanan.Malaki ang magagawa namin para sa Pilipinas. Baon naming ang katapatan, katarungan at sakripisyo para sa ikauunlad ng Pilipino.

No comments:

Post a Comment