Sunday 13 December 2015

Regno: “pagkakapit-bisig ng kumunidad, tahanan, at paaralan ang susi sa mataas na resulta ng NAT”

                “Isang kongretong patunay na ang mga guro sa ating paaralan ay nagbuhos ng kanilang oras at serbisyo upang mapataas ang pangkalahatang resulta ng National Achievement Test.”
                Ito ang naging pahayag ni G. Jim I. Regno,  ang punungguro ng Paaralang Elementarya ng MAlinao.
               Tumaas ng mahigit 14.55 bahagdan ang itinaas ng kabuuang resulta ng NAT sa panuruang taong ito na 77.12% kunpara noong nakaraan na 62.57%,”  ang ipinagmalaking pahayag ni G. Jim I. regno, Punungguro II ng Paaralang Elementarya ng MAlinaosa isang panayam na ginawa ng editor ng balita ng Ang Gabay, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng MES.
               “Ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga guro, mga magulang at mga taong nakapaligid sa ating paaralan,” dagdag pa nito.
                Ayon kay Regno, nagkaisa ang mga guro at mga magulang na susuportahan ng huli ang mga programa ng paaralan lalo na sa usapin ng disiplina sa paniniwalang kapag may disiplina lalong natututo at napapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral.
               Pinuri ni Regno ang mga guro sa kanilang walang kapagurang linangin at paunlarin ang kakayahan ng mga ito.

              Nangako rin ito na susuporta hindi lamang sa akademiks kundi sa isports, sa panulat o sa anumang gawaing makakatulong sa paglinang ng angking kakayahan ng mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment