Friday 18 December 2015

Fernandez, panauhing pandangal sa Buwan ng Nutrisyon

“Napakahalaga ang tamang nutrisyon sapagkatuto ng bawat mag-aaral.”
                Ito ang binigyangdiin ni Gng, Roby M. Fernandez, Division Health Officer II ng Dibisyon ng Aklan nang magsalita ito bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Mababang Paaralan ng Malinao, Agosto 9.
                 Naging tema ng selebrasyon  sa taong ito ang, “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”   
                Ipinaliwanang ni Fernandez ang kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pag-iwas sa sakit.
                Ayon sa kanya, inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan na dapat ang  nakaihain sa hapagkainan ng bawat pamilya ay “Pinggang Pinoy”.
                Naglalaman ang Pinggang Pinoy ng tatlong pangkat ng pagkain san a kailangan ng ating katawan upang manatiling malusog , liso at ligtas sa sakit.
                Kasama sa pagdiriwang ang pagbibigay-pugay at pagkorona sa Little Miss Nutrisyon at, Master Christman na si Little Miss Marah Pheony Domingo at Master Terrance Clark.
                Itinanghal naman sina Master Mariano Ilejay Jr. at Little Miss Princess Jeanette Indemne, bilang mga first runner ups habang sina Master Marko Polo Isar Little Miss Angel May Desaliza ang 2nd Runner Up.
           Naganap sa pangalawang parte ng programa ang pagbibigay ng mga parangal sa mga nagwagi sa mga timpalak kagaya ng Poster Slogan, Cook Fest, at Nutri-Quiz.
           Nagbigay ng mga sayaw ang mga mag-aaral ng MES.
           Nagsimula ang programa na ito sa Pambansang Awit na sinundan ng Panalangin at Aklan Hymn sa pangunguna ng MES Children’s Choir.
           Nagtapos ang programa sa Pangwakas na Salita ni Gng. Rebecca R. Ibarreta, Master Teacher II.
      Ang  guro ng palatuntunan ay Si Gng. Annavic R. Buenavista, Master Teacher I.



No comments:

Post a Comment