Friday 18 December 2015

Kalikasan Ating Gintong Yaman

Kapaligiran natin diyos nag-alay
Ito’y mahalagang bahagi ng buhay,
Sa mundong ito, lahat magkakaugnay,
Biyayang bigay, buhay binigyang kulay,
Ngunit kapag ito ay pinabayaan hatid nito’y
Pinsala sa ating buhay.

Ito ay isang magansang kayamanan na
Dapat natin pagkaingat-ingatan,
Ang pundasyon ng ating kinabukasan
Ang ating mahal na inang kalikasan,
Walang imposible kung magtutulungan
Tiyak pagbabago ating makakamtan,

Pag-unlad nasa isip ng bawat isa inuuna
Agham at Teknolohiya,
Kalikasan naisasantabi na pati na
Rin mga sarili nila,
Kung ito’y masira tayo’y mawawalan.


No comments:

Post a Comment