Friday 18 December 2015

Susi sa kinabukasan

Kaalamang taglay kailangang tunay,
Sandatang dapat taglayin ninunman,
Dahil gamit natin sa pang araw-araw,
Na matatagpuan sa edukasyon lang.

Edukasyong hanap nasa eskwelahan,
Tinuturong ganap ng gurong mahusay,
Makamit ito ay walang kasing saya,
Sapagkat dala ay magandang simula,
Simula sa isang magandang biyaya,
Dala ay tagumpay maging dalubhasa.

Kahit mahirap kakayaning  tunay,
Makamit lamang ang tamang kaalaman,
Na magiginng daan sa ating tagumpay,
                                                        Dahil ito'y susi sa magiging buhay..       

No comments:

Post a Comment