Friday 18 December 2015

Sa pagiging lider

Ang pamumuno ay isang mahalagang katangian na hindi namamana kundi natutunan at ang mahusay na pinuno ay minomolde ng panahon at karanasan.
                Maraming mahusay na journalist ang naging matagumpay sa larangan ng pamumuno. Ang isang mahabang karanasan bilang isang journalist ay humubog at nagtuturo sa mga kabataan kung paano ang tamang pamumuno.
                Ang mga campus journalist ay namumuno sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon, sa paggising sa kaisipan, pagbibigay babala at solusyon sa  mga suliranin sa paaralan sa pamamagitan ng kanilang mga isinusulat. Dedikasyon at sapat na panahon ang inilalaan sa bawat balitang kanilang isinusulat, sapagkat alam nilang ito ay mahalaga.  Kung ang mga katangiang ito ay sisimulan sa elementarya hanggang sekondarya, tunay na mahuhubog natin ang kaisipan at paniniwala ng  ating mga kabataan.

                Ang mahusay na pinuno ay yaong matapat,responsible at handang magsakripisko sa kapakanan ng nakararami. Gawin nating instrumento ang pagsulat upang gumabay sa ating kabataan na maging mabuting pinuno at mamamayan ng ating bansa.

No comments:

Post a Comment