Friday 18 December 2015

Feeding Program isinasagawa upang lutasin ang problema sa malnutrisyon

               Bilang hakbang sa paglutas ng problema sa malnutrisyon at tugon sa programa ng Department of Health na “Zero Malnourish”, si G. Jim I. Regno ang nagpagawa ng feeding program sa Paaralang Elementarya ng Malinao.
              Ito ay batay sa kautusan ng ………. Na naglalayong sa taong 2017 ay wala nang batang “malnourish” na papasok sa paaralan.
               Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga batang malnourish sa bawat baitang at pinakakain araw-araw sa oras ng rises ng pagkaing masustansiya.
              “Makikita matapos ng isang buwan na malaki ang pagbabago sa timbang ng mga batang nabibilang sa feeding program. Makikita din ayon sa “feedback” ng mga guro na may mabuting resulta rin sa performance ng mga bata sa klase ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon,” sabi ni G. Jim I. Regno, ang punungguro ng paaralan matapos pag-aralan ang ulat mula sa mga guro.
              Ayon sa kanya ipagpapatuloy ng paaralan ang pagtangkilik sa programang ito ng mga guro upang mabawasan kung hindi man masugpo ang problema sa malnutisyon ng bayan at bansa.


No comments:

Post a Comment