Sunday 13 December 2015

Richardson inuwi ang ginto sa SEA Games


        Nakayanang maiuwi ni Kayla Richardson ng Pilipinas ang ginto sa Women’s 100m. finals sa nakaraang 28th SEA Games na ginanap sa National Stadium,East Coast Park,Singapore , Martes , Hunyo 9 , 11.76 segundo.      
         Pumangalawa naman si Wannakit Tassaporn ng Thailand ,11.76 segundo rin ngunit binigyan ng ikalawang pwesto dahil sa naging  “photo finish” habang si  Pereira Shanti ng Singapore ang naka kuha ng ikatlong pwesto,11.88 segundo.
           “Masaya ako sa aking naitalang oras,bago ang  laro,kinabahan ako pero nang nasabi nang nanalo ako abot-langit ang aking  saya ,”sabi ni Richarson.” 
            “Subalit hindi maganda ang umpisa ni Richardson nakayanan parin niyang maiuwi ang ginto,” sabi ng kanilang coach.
              Pinuri ni Richardson ang lahat ng tao sa stadium.

No comments:

Post a Comment