Friday 18 December 2015

Zolina: “ang bawat mamamayan ay dapat ipagmamalaki ang kanilang wika para umunlad ang buong bansa”

                “Ang mga Pilipino ngayon ay matapang, matalino at matulungin at ang bawat mamamayan ay dapat ipagmalaki ang kanilang wika para umunlad ang buong bansa.”
               Ito ang naging pahayag ni G. Amando A. Zolina, District Supervisor ng Malinao sa ginanap na Buwan ng Nutrisyon, Paaralang Elementarya ng Malinao, Agosto 15.
              Naging tema ng selebrasyong ito ay “____________.”
              Binigyang diin din niya dito ang mga karapatan at kalayaan ng bawat Pilipino at ang pagiging maunlad na mamamayan.
              Ipinaliwanag din niya kungpaano maging isang maunlad na mamamayan, para sa kinabukasan ng isat isa.
              Sa programang ito, itinanghal ang mga nanalo sa Poster Making,Tagisan ng Talino, Pagsulat ng Tula at Pagsulat ng Sanaysay.
              Nagbigay ng mga sayaw ang mga mag-aaral ng MES.
              Nagsimula ang programa na ito sa Pambansang Awit na sinundan ng Panalangin at Aklan Hymn sa pangunguna ng MES Children’s Choir.
              Nagtapos ang programa sa Pangwakas na Salita ni G. Jim I. Regno, Principal II.

              Ang  guro ng palatuntunan ay Si Gng. Annavic R. Buenavista, Master Teacher I.

No comments:

Post a Comment