Sa tahanan unang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ipinagpapatuloy
naman ito sa paaralan kasabay ng paghubog ng kaalamang akademiko. Ngunit hindi
lamang pag-aaral ang pinagtutuunan ng pansin sa paaralan. Ang paaralan ay may may
ibat ibang organisasyon na nakalaan sa ibat ibang mag-aaral, at depende rin sa
kanilang kakayahan.
Gaano nga
ba kahalaga ang ekstra-kurikular sa pag-aaral?
Malaki
and epekto ng ekstra kurikular sa buhay ng mag-aaral. Nililinang nito ang
sosyal, emosyunal , intelektwal at pisikal nakakayahan ng isang mag-aaral
Ang mga
mag-aaral na aktibo sa ekstra-kurikular
na gawain ay may “confident” na pagkilos sa sosyal at emosyunal na lebel
kaysa sa mga hindi aktibo. Nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili at nagkakaroon
ng lakas ng loob na gampanan ang anumang ipinagagawa o ipinatutupad sa kanila. Nalilinang
rin nito ang katauhan ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa
iba. Nagiging responsible ang mga batang
sanay na sa mga tungkulin at gawain sa paaralan, kasama na rito ang pagharap sa
tao.
Marami
rin ang natutunan ng mga mag-aaral ng laging kasali sa mga gawaing ekstra-kurikular.
Sa pamamagitan ng pakiipagsalamuha, nakakakuha sila ng mga magaganda at kapakipakinabang
na asal, aral, gawain na makakatulong upang mabago at mapaunlad ang pagkatao.
No comments:
Post a Comment