Friday 18 December 2015

Hangad nating lahat

Epektibong pamumuno dulot ay kaayusan ng bansa,
Impluwensya ng bawat pinuno dahilan ng pagbabago,
Ating bansa’y unti unti ng nadudungisan,
Korupsyon sa ating bansa di na mapipigilan,
Pagkakaisa’y unti-unti ng nalilimutan.

Iba’t ibang paraan ng pamumuno di maiiwasan,
Mga kaguluhang nagaganap iba’t iba ang pinagmumulan,
Ngunit sa isang banda’y mga mata nati’y muli nating buksan,
Pagtutulungan ng bawat isa kailangan nating lahat,
Kaya tayo buksan natin ang puso’t isip ng bawat isa,
Pagkakaisa’t pagtutulungan hangad nating lahat.


No comments:

Post a Comment