Friday 18 December 2015

Isports: Mahalaga ba?

Ang isports, laro o palakasan ay isang aktibidades na nagpapalakas ng katawan. Maraming klase ang laro na may iba’t ibang kagamitan.  Iba’t ibang bahagi ng katawan ang napapaunlad nito. Bukod sa pangangatawan, napapaunlad din nito ang relasyon ng bawat kasali sa laro at natututo sila kung paano makisama sa kapwa-tao at  matututunan din  ang tinatawag na “sportsmanship”.
Malaki ang nagagawa ng sports sa kaunlaran o development ng isang mag-aaral.    Una, nililinang nito ang kakayahang  pisikal gaya ng  pagtakbo,  paglangoy, pagsalo o pagpalo at iba pang kasanayang pisikal. Sa isports, nahahasa rin ang kaliksihan, listo at bilis ng pag-iisip  at  pagdedesisyon.
 Kaya nga sa paaralan ay mayroong sportsfest at mga extra-curricular activitites. Hindi lamang naman sila binuburo ng mga guro sa puro pag-aaral lamang kundi mayroon ding gawaing  hindi lamang isip ang ginagamit kundi ang lakas ng katawan. Sa elementarya, nagkakaroong ng Sportfest tuwing Setyembre. Mayroong volleyball, basketball, tennis, athletics, swimming at iba pang larong lumilinang ng mga kakayahan.
Ang mga estudyante ay hindi lamang puro pagbabasa at pagsulat ang ginagawa sa eskwelahan. May mga gawain ding lumilinang sa kanilang kakayahan sa isports. Kaya ang mga batang may mababang marka, malaking tulong sa kanila ang paglahok sa nasabing aktibidades dahil 30% na dagdag ito sa kanilang grado. 

Marami ang benepisto na naibibigay ng isports nililinang hindi lamang ang katawan kundi ang isipan. Tunay ngang mahalaga ang isports. 

No comments:

Post a Comment