Sunday 13 December 2015

K+12 sagot o suliranin

Kasalukuyan nang ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. May dalawang taong dagdag  rin sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.
Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos
. Napakaganda ng layunin ng programang ito ngunit tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.
Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipino ang dapat na matutunan sa dating sistema. Sa pagdagdag ng taon sa pag-aaral, malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out?. Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang.
Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon

Ngunit nariyan na iyan,May magagawapa ba si Juan Dela Cruz?. 

No comments:

Post a Comment