Friday 18 December 2015

Pahayagang Pangkampus sa Mabuting Pamamalakad

Ang Kagawaran ng Edukasyon, sa pamamagitan ng K-12, ay nagpapatupad ng mga programang humahasa sa kakayahan ng mga manunulat sa pahayagang pangkampus upang maihanda sila sa mga hamon ng makabagong panahon. Ang mga itinuturo sa paaralan, ang mga pagsasanay sa panulat at mga Press Conferences ay lumilinang sa kakayahan sa komunikasyon, mapanuring pag-iisip o pagdedesisyon, at maging ang kakayahan sa kompyuter upang mapabilis at mapadali ng kanilang gawain bilang mamamahayag kasama na ang mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon.
Kasama sa mga gawain nito ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng tapat at matuwid na pamumuno, ang pagiging masigasig sa pagtupad sa tungkulin bilang mga tagapaglingkod sa mamamayan at maalagaan ang integridad ng mga ahensyang kinabibilangan.
Ang pahayagang pangkampus ang siya ring nagsisilbing sanayan ng mga mamumuno o maging lider sa hinaharap. Ang patas na kompetisyon ay nagpapakita ng kahalagahan ng katarungan sa anumang gawain. Ang pagsisikap mabilis na mapaipaabot ang mahahalagang mga impormasyon gaano man ito kahirap ay nagsasanay sa mga manunulat sa pagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami. Ito rin ang binibigyang-diin ng Good Governance and Leadership.
Bilang mga batang mamamahayag ay nakikiisa sa pagtataguyod ng matapat at matuwid na pamamalakad at pamumuno. Malaki ang magagawa namin para sa Pilipinas. Baon namin ang katapatan, katarungan at sakripisyo para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.


No comments:

Post a Comment