Friday 18 December 2015

MES panalo sa District Meet

     Inuwi ng koponan ng Malinao Elementary School ang kampeonato sa Volleyball girls (elem) sa naganap na 2015 District meet sa SJA Covered Court, Malinao, Aklan, 25-16 22-25.
     Pumangalawa naman ang koponan ng Lilo-an Elementary, habang nasa pangatlong pwesto ang San Dimas Elementary School.
     Sa unang set palang ipinakita na ng MES ang galing nito sa pag seserbisyo at nakuha ang lamang, 5-1.
     Sinubukan namang habulin ng LES ang MES ngunit nabigo ito at ang MES parin ang nanaig, 10-6.
     Itinuloy-tuloy naman ng MES ang abante nito at naipanalo ang unang set, 25-16.
     Sa pangalawang set, nakuha ng LES ang abante ngunit hindi ito hinayaan ng MES at muling inagaw ang lead, 9-9.
      Itinuloy ng MES ang magandang lead nito at ginawang 19-15 ang iskor.
      Humabol naman ang LES at itinabla ang laro sa 20-20.
      Determinadong maiuwi ang titulo, umarangkada ang MES at tuluyang inuwi ang panalo sa 22-25.
      Sila ang bubuo sa koponan ng Malinao sa paghahanap ng unang kampeonato na makukuha sa volleyball.

No comments:

Post a Comment