Thursday 17 December 2015

Pahayagang Pangkampus tungo sa Matuwid na Pamamalakad

Ang Kagawaran ng Edukasyon, sa pamamagitan ng K-12, ay nagpapatutupad ng mga programang humahasa sa mga manunulat sa pahayagang pangkampus upang makamtan nila ang kakayahan ng mga manunulat sa 21st century. Ang mga itinuturo sa paaralan, pagsasanay sa panulat at mga “Press conferences” ay lumilinang sa kakayahan sa komunikasyon, patas at mapanuring pag-iisip o pagdedesisyon, at maging sa paggamit ng kompyuter o internet -  mga kakayahang  dapat  taglay ng isang lider.
Makakatulong ba ang pampaaralang pamamahayag sa pagtaguyod ng matapat at mabuting pamumuno at pagsasanay sa pagiging mabuting lider sa hinaharap?
Ang pahayagang pangkampus ang nagsisilbing sanayan sa mabuting pamumuno o pagiging lider sa hinaharap. Ang patas na kompetisyon sa panulat ay nagpapakita ng kahalagahan ng katarungan at katapatan. Ang mabilis na pagkilos  gamit ang internet upang maipaabot ang mahahalaga at tamang  impormasyon gaano man ito kahirap ay nagsasanay rin sa mga manunulat sa pagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami. Sa makatuwid , ang pagiging patas, tapat,  makatarungan at ang pagsasakripisyo para sa nakararami ang layunin ng pahayagang pangkampus – ito rin  an ang binibigyang-diin ng “good governance and leadership, at transparency”.

Kami, bilang mga batang mamamahayag ay nakikiisa sa pagtataguyod ng matapat at matuwid na pamumuno. Sa pamamagitan ng pampaaralang pamamahayag, masasanay at maihahanda kami para sa responsibilidad ng pagiging susunod na lider ng pamayanan. Baon ang katapatan, katarungan at sakripisyo maymagagawa kami para sa ikauunlad ng Pilipino.

No comments:

Post a Comment