Thursday 10 December 2015

Guro Ko, Bayani Ko

Pangalawang ina ang turing sa kanya. At kaibigan na tapat kung magmahal. Nariyan  siya sa oras ng pangangailangan. Naging sandigan sa oras ng problema. Iyan ang aking guro.
Di nagsasawa sa pagtuturo sa atin, kahit minsan hindi nakikinig, at matigas ang ulo. Pilit hinahabaan ang kanyang pasensya, maturuan lang tayong mga mag-aaral nya. At naiirita man ay hindi pinahahalata.
Yan ang ating guro mapagmahal, maunawain at masigurado. Nagsusumikap na tayo’y turuan upang maging matalino at matuto ng lubusan.
Kaya sa darating na Araw ng mga Guro, sikapin nating mabigay sa kanila ang buong pasasalamat natin sa lahat ng nagawa nila sa atin, kahit napapagalitan minsan. At dahil kung wala ang gurong katulad nila walang magtatyagang magturo, umunawa at magmahal sa atin katulad ng pagmamahal sa atin ng ating mga ina.

At huwag nating kakalimutang sabihin sa ating guro na Guro Ko, Bayani Ko.

No comments:

Post a Comment