Thursday 10 December 2015

MES nag uwi ng 2 gintong medalya

               Binitbit pauwi ng Paaralang Elementarya ng Malinao ang dalawang gintong medalya matapos itong tanghaling kampyon sa Mural Designing at Poster Making sa ginanap na Division Scilympics sa Lezo Integrated School, Oktubre 16-18.
               Binibuo nina Reiyah Ysabelle I. Inserto, Ma. Gabrielle Angelli B. Nadate, Marty Ashly M. Ituriaga, Sol Nino N. Rogan at John Gerald D. Tabanera ang grupo ng Mural Designing samantalang si Reiyah Ysabelle I. Inserto at si Ma. Gabrielle Angelli B. Nadate naman ang gumawa ng Poster.
               Nakuha rin ni Lonard Paul I. Ijalo ang ika-anim na pwesto sa Science Quiz Bee Individual Grade 6 at ni Eda Marcel I. Garcia ang ika-anim na pwesto sa Science Quiz Bee Individual Grade 5.
               “Ipinagmalaki ko na may angking talino ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Malinao at lalo sa mga tagasanay sa ibat ibang kategorya,” ang naging pahayag ni G. Jim I. Regno, punungguro ng nabanggit na paaralan.
                Sa kabuuan, pumangalima ang MES matapos makalikom ng dalawang ginto, dalawang ika-limang pwesto at iba pa.
               “Nagbunga rin ang masusing paghahanda ng mga mag-aaral at ang walang kapagurang pgsasanay ng mga gurong tagapagsanay. Sana ay mapanatili o mahigitan pa sa susunod na taon ang nakamit na tagumpay ng ating paaralan sa taong ito,” wika naman ni Annavic R. Buenavista, ang Pampurok na Tagapag-unay sa Agham.

               Ang nanalo sa unang pwesto ay magrerepresenta sa Sangay ng Aklan sa gaganaping Panrehiyong Scilympics na gaganapin sa Guimbal Central School, Iloilo. 

No comments:

Post a Comment