Friday 18 December 2015

Malinao pumangalawa sa 2015 Yunit Meet

Bigo ang koponan ng Malinao sa 2015 Yunit Meet nang padapain sila ng koponan ng Numancia sa championship game nito sa volleyball girls (elem), Badio, Numancia, Aklan, 25-22 23-25.
       Inuwi muli ng koponan ng Numancia ang kampeonato, habang ang koponan naman ng Makato ang pumwesto sa pangatlo.
       Sa unang set, ipinakita na nila kung bakit sila ang itinuturing na kampeon sa larangan ng isport na ito, sa kanilang mga mahihirap na serbisyo pa lang dahilan upang makuha nila ang abante, 6-2.
      Hindi naman nagpatalo ang mga itinuturing na baguhan sa isport, ang Malinao, ipinakita rin nila na kahit baguhan sila ay kaya nila sila at hinabol ang iskor sa 8-7.
      Binawi naman ng Numancia ang kanilang lead nang paulanan ni Sophia Santiago, ang kapitana at West player dati, nang mga palo ang Malinao, 15-12.
      Naging kampante ang Numancia sa laro dahilan upang mahabol sila ng Malinao at nakakuha pa nga nang 6-point lead, 15-21.
      Naputol ito nang nagising ang Numancia at ipinatas ang iskor sa 21-21.
      Itinuloy tuloy nila ito at tuluyan nang makuha ang unang set, naka iskor pa nang isa ang Malinao bago nila ito tapusin.
      Sa pangalawang set, naging desidido ang Malinao na pahabain pa ang laro at kinuha agad ang unang lead, 5-2.
       Ngunit mas nanaig parin ang Numancia sa  kagustuhang maiuwi muli ang titulo at inagaw ang naging lead ng Malinao, 10-8.
       Ipinagpatuloy ng Numancia ang lead nito, sinubukan namang humabol ng Malinao at nagtagumpay ito nang maipatas nila ang iskor sa 18-18.
       Nagawa pang maka lamang ng Malinao at ginawang 20-18 nang iskor.
       Hindi nagpatalo ang Numancia nang muli silang maka abante dahil sa kanilang magagandang opensa at ginawang 22-20.
       Muling umarangkada ang Malinao at umabante sa kanila nang isa, 23-22.
       Wala nang nagawa ang Malinao nang tuluyan nang angkinin ng Numancia ang kampeonato sa iskor na 23-25.
        Anim ang kinuha ng Numancia sa Malinao upang tulungan silang makuha ang titulo sa nalalapit na Provincial Meet sa Nobyembre.

No comments:

Post a Comment