Thursday 17 December 2015

Kalamidad paghandaan, buhay ay ingatan

Sunud-Sunod ang mga kalamidad na ating nararanasan, malalakas na bagyo, biglaang pagbaha, daluyong, at kung anu-ano pang sakuna. Ang isyung pinag-uusapan: Gaano tayo kahanda sa pagtugon sa mga sakuna?
          Tama bang kung saan malalala na ang sitwasyon ay saka pa lamang aaksyon tayo?
          Ang pagiging handa ang maglalagay sa atin sa ligtas na sitwasyon. Kailangang alam natin ang mga dapat gawin sa pagdating ng mga kalamidad mula sa paghahanda hanggang sa pagtukoy ng mga hakbang pagkatapos nito.
          Sa paghahanda, nalalaman natin kung ano ang dapat mayroon tayo sa oras ng kalamidad. Inaalam din natin kung sino ang taong makapagbigay ng tamang  impormasyon para sa ating kaligtasan.
          Sa oras ng kalamidad mahalagang alam natin ang mga bagay na dapat gawin, at pagkatapos,  tinutukoy rin natin ang maaring gawin upang madaling makabangon na hindi umaasa lang sa tulong ng pamahalaan.
          Mahalaga ang pagiging handa. Ito ang tutukoy sa ating kaligtasan sa anumang banta ng kalamidad.

                    

No comments:

Post a Comment