Sunday 13 December 2015

Isports: Sa Larangan ng Edukasyon

                Ang isports, laro o palakasan ay isang aktibidades na kung saan lalo pang napapalakas ang katawan. Maraming ibang klase ng laro na may iba’t ibang kagamitan din kung saan iba’t ibang bahagi ng katawan ang napapaunlad nito. Bukod sa pangangatawan, napapaunlad din nito ang relasyon ng bawat kasali sa laro at nagkakaroon sila ng bonding. Natututo sila kung paano makisama sa kapwa-tao at sa laro ay matututunan din kung ano ang tinatawag na “sportsmanship”.
        Masasabing ang isports ay malaking tulong sa ating pangangatawan. At mas madaling mahikayat at maraming nahuhumaling na kabataan dito. Kaya nga sa paaralan ay mayroong sportsfest at mga extra-curricular activitites. Ano ng aba ang dulot ng isports sa larangan ng edukasyon? Hindi lamang naman sila binuburo ng mga guro sa puro pag-aaral lamang kundi mayroon ding gawain na kung saan hindi isip ang gagamitin kundi ang lakas ng katawan. Sa elementarya, nagkakaroong ng Sportsfest tuwing Setyembre. Mayroong volleyball, basketball, athletics at iba pa.

              Akala natin na subsob lamang ang mga estudyante sa pag-aaral sa eskwelahan. Mayroon din naman silang ibang aktibidades na ginagawa. Hindi lamang puro academic kundi may bahagdan din ang extra-curricular activities. Kaya ang mga batang may mababang marka, malaking tulong sa kanila ang paglahok sa nasabing aktibidades dahil 30% na dagdag ito sa kanilang grado.  Kaya ito ay isang patunay na ang bawat bata ay nagtataglay ng “multiple intelligence”. Tunay ngang ang “Isports---- Kaagapay sa Edukasyon”.

No comments:

Post a Comment